Ang Mga Iba’t Ibang Uri Ng Tambay Part 1

27 09 2008

Aba! Sosyal na talaga ang mga pinag-aaralan ngayon no?  May mga ibat-ibang halaman sa mundo, mga ibat ibang isda, ibat ibang ibon, May mga ibat ibang bisyo, ibat ibang dahilan para hindi pumasok ng eskwela o trabaho pero ang nararamdaman lang naman ay ang Katamaran Disease, at ngayon, meron na ring ibat ibang uri ng Tambay! Minabuti kong mag compile ng mga list na aking nakalap while surveying different tambays here in the Philippines to know what is the ultimate form of Tambay. and the first on the list is:

Mumurahing Tambay

Well, lahat naman ng tambay eh mumurahin, pero ang uri na ito ay solid to the edge of the earth na mumurahin at hindi kailangan ng kung anu anong props o paraphernalia para masayang ang oras sa kakatambay. Ito rin ang pinaka common na uri ng pagtambay sa Pilipinas dahil sa hirap ng buhay ngayon, wala ng ibang alternatibo kundi tumambay nalang ng walang gastos, walang drama. Based on the information that i have received from various sources this form of Tambay is one of the cheapest, most affordable, and easiest to achieve and put to use on your day to day shambles.

Targets of this Form of Tambay: Mga Bata, Tricycle Drayber na Naghihintay ng Pasahero, Mga pagod galing sa trabaho, at mga Loners.

Tambay Strength: **

Ang pangalawang Uri ng Pagtambay ay ang:

Tambay sa Suking Tindahan

Mainam na tumambay sa tabi ng mga suking tindahan kapag ikaw ay may salapi na magagasta, pwede ring tumambay sa tabi ng suking tindahan na may telebisyon, para manood ng paboritong nuntime shows. Ang ganitong uri ng tambay ay nangangailangan ng at least 5 peso worth of Cash para matamo. Maaari ka ng bumili ng ice tubig, yosi, kendi at ilang snacks sa  murang halaga.

Targets of this Form of Tambay: Mga kabataang kakatapos lang maglaro, Matatandang nakikinood sa tv, MGA ADIK.

Tambay Strength: **

Third on the list is:

Intellectual Tambay

Ang Intellectual tambay ay isa sa mga pinaka mataas na uri ng tambay dahil kinakailangan ng isang nilalang ng kapabilidad at kapasidad para ito ay magawa. Madalas sa umaga ginagawa ito. Most of the time, mga retired professionals oh mga beterano lamang ang nakaka achieve ng ganitong tambay. Pero hindi sila mahahalata na mga intilektwal na nilalang dahil sa kanilang mga porma. Looks can be Decieving.

Targets of this Form of Tambay: Lolo’s and Lola’s

Tambay Strength: ***

Last on the first part of the list is:

Tropang Tambay!

oh yeah, isa to sa mga favorite tambay ko personally, kahit na madalas akong nakikitang mag-isa nag gagala sa malls, sa campus, at sa labas, siyempre wala paring tatalo sa tambay na kasama ang tropa! Madalas kwento lang ang puhunan at ilang kaibigang kasama para magawa ang uring ito. Isa din to sa mga pinakamagandang uri ng tambay dahil mataas ang chansa na dito mo malulutas ang kung ano mang problema meron ka. Mas lalong mataas rin ang chansa mong matuto sa ganitong uri ng tambay, and not just tuto, kung ano ano ang matututunan mo dito be it positive or negative. Lastly, nothing beats the presence of tropa beside you! haha.

Targets of this Form of Tambay: Teens, Mga nag cutting classes, mga goons

Tambay Strength: *****!

________________________________________________________________________

Masarap talagang tumambay kahit anong trip ang gusto mo. Ang mga uring nasa list ay one of the most basic forms lang, next part will be the list featuring far advanced types of tambay :D

tara tambay!


Actions

Information

3 responses

27 09 2008
Krizelle

Tara tambay! LOL
MCDO “imus” XD

27 09 2008
Sir Zanarkand

lol haha. wala ko naaalala :D

29 12 2008
ate ann

oo masarap tumambay basta di ka magiging perwisyo sa mga kapitbahay mo, kasi naman mga tambay sa min walang pinipiling oras, pag ginustong mag-ingay, wala na sila pakialam kung nakakaperwisyo sila. alak, sugal, hithit ng marijuana. pati tuloy ako para na ring adik twing naamoy ko yon!ilang kapitbahay na nagreklamo sa barangay! wala pa rin talaga silang kadala-dala! mga bastos talaga!

Leave a comment